|
bahay. Nakatira dito ay mag-asawa at kanilang anak. Kasama din nila sa kanilang pang-araw-araw ang aso nilang puti. Ang aso nilang itoy may taglay na kakyahan upang unawaain ang salita ng kanyang amo. Animoy may utak parang tao. Isang gabi ay nagkasakit ang among babae. Kinakailangang magpatingin kaagad ito sa doctor. Ngunit gabi na at wala na rin silang madadatnan sa bayan kung sila ay yayao. Kayat nagpasya ang mag-asawa na ipagpabukas na lang ang pagpunta sa bayan. Dumating ang umaga at handa na ang mag-asawa. Ngunit ang babae ay nag- aalinlangan kung papano ang kanilang anak. Sabi ng lalaki, wag kang mag- alala. Andito ang alaga nating aso. Siya na ang bahala sa ating anak. Ano? Ang asong ito? Magbabantay sa ating anak?, di makapaniwalang sabi ng asawang babae. Oo, siya nga..bakit, di ka ba naniniwala na kaya niya?, tanong ng asawang lalaki. Hayop siya at di noya kayang gawin ang mga gawaing pantao, wika ng babe. Wala ka pa atang alam, aking misis. Manood ka., sabi ng lalaki habang nagtimpla ito ng gatas ng bata at inilapag ito sa mesa. Sumipol ang among lalaki at sa pagkarinig ng asoy dali-dali itong pumunta sa kinaroroonan nila. Ibigay mo ito kay beybi, utos ng among lalaki sa aso. Kinagat naman ng aso ang bote at isnubo ito sa bata. Di nito iniwan ang bata hanggan sa maubos ang laman. Pinagmasdan ito ng among babae at nagpasya ngang iwan na rin ang kanilang anak sa alaga nila. Gabi na nang sila ay makarating sa kanilang munting tahanan. Mula sa malayo ay naaninag nila ang kanilang putting aso. Ngunit, hindi na puti ang kulay nito. Kayat namamadali silang lapitan ito. Nanlaki ang mga mata ng mag-asawa sa nakita nila. Naliligo na sa dugo ang kanilang aso. Galit na galit sila. Nagkatinginan ang mag-asawa at walan isang sandali at bumunot ng baril ang among lalaki. BANG! At itoy pinutok sa alaga nilang aso. Umuungol sa sakit ang asong puti. Hindi pa nakuntento ang lalaki at isang pang putok ang pinakawalan nito sa katawan ng walang kalaban-labang aso. Nanghihina na ang aso ngunit pawing hinihintay pa ang amo sa susunod niyang gawin. Naghawak kamay ang mag-asawa at kumaripas ng takbo sa kinaroroonan ng kanilang nag-iisang anak. Sa ilalim ng duyan nito ay nagkalat ag dugo. SA isang banda ay nakita nila ang katawan ng isang napalaking sawa-patay. NIlapitan nila ang duyan ng kanilang anak. Mahimbing na natutulog ang bata.. Pagkuway naalala ng among lalaki ang aso. Inisip niyang siya ang nagligtas sa kanilang anak. Binalikan ng among lalaki an gang putting aso. Gumagapang papunta sa paaanan ng amo ang aso. Mangiyak-ngiyak ang among lalaki sa kanyang pagkakamali. At sa huling sandali ng buhay ng aso ay humalik ito sa paa ng among lalaki pawang nagsasabing Master, ginawa ko na po ang aking trabaho. Mahal ko po kayo. Ilang sandali lang at binawian na ito ng buhay. |
| Leave a Comment: |